Ang Kabihasnan at Sibilisasyon | History of Filipino
Sa payak na kahulugan ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng pag-unlad at pagbabago sa lipunan. Isa itong konsepto ng pagiging dalubhasa o kagalingan o pagiging bihasa ng mga tao sa isang kulturang nakasanayan, nakagisnan, nalinang at kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Nakikilala natin ang kultura sa pamamagitan ng wika, sining, edukasyon, arkitektura atbp.
Mula sa salitang Latin na civitas na nangangahulugang lungsod, ang sibilisasyon ay tumutukoy sa estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar. Mayroon sistema ng pag-iisip, pagkakaisa, pamumuhay at pagkilos ang mga tao sa isang lugar. Ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
Comments
Post a Comment